21

Jul 21, 2021 @ 17:00
By

Taas-presyo sa bilihin ‘di pa nagsimula – DTI

Taliwas sa kanilang inanunsyo kahapon, nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Miyerkoles na hindi pa aprubado ang nakaambang taas-presyo ng ilang pangunahing bilihin.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nire-review pa rin ng ahensya ang naturang pagtataas ng presyo.

“We can say continuing review pa,” maikling mensahe ng kalihim.

Dagdag pa ni Lopez, hindi pa nai-publish ang bagong suggested retail price kaya’t hindi pa rin ganap na maipapatupad ang taas-presyo.

Tinutulak ng ilang mga manufacturer ang pagdagdag ng presyo dahil sa COVID pandemic, na nagpamahal sa mga raw material at gastos sa operasyon .

Sa naturang dagdag-presyo, mula tatlo hanggang limang porsyentong pagtataas ang inaprubahan ng DTI, na ayon sa ahensya’y hindi aabutin ng piso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?