34

Sep 12, 2021 @ 17:35
By

Taas presyo sa bigas nagbabadya

Nagbabadya umanong tumaas ang presyo ng bigas sa mga susunod na buwan matapos mabigo ang Vietnam na maabot ang target nitong produksyon.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, ang Vietnam ang pangunahing pinagkukunan ng imported na bigas ng bansa kaya posibleng magkaroon ng epekto ang pagkonti ng produksyon nito.

Batay sa datos ng Vietnam Food Association (VFA), sinabi ni Salceda na ang rice export ng Vietnam sa unang pitong buwan ay 3.5 milyong tonelada, bumaba ng 12.7% kumpara sa parehong panahon noong 2020.

Sinabi ni Salceda na lumilipat na rin ang mga magsasaka ng Vietnam sa pagtatanim ng mga mas mahal na variety ng bigas.

“We should never depend on Vietnam’s rice exports for our supply in the first place. Vietnam is a society that is becoming more affluent. The result of higher purchasing power is greater food consumption. That means fewer volumes available for export,” sabi ni Salceda.

Iminungkahi ni Salceda ang agarang implementasyon ng mechanization component ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) upang lumaki ang lokal na produksyon ng bigas.

Hiniling din ni Salceda ang pagpasa ng mga panukala upang mas lumawak ang lupang sakahan ng mga nais na magtanim.

“Farm mechanization works best when you are dealing with big-enough tracts of land. It’s cost efficient that way,” dagdag pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: