9

By

Taas-presyo, ramdam pa rin ng mamimili sa 2019 – consumer watchdog

Sharing is caring!

Ang pagbaba ng inflation noong Nobyembre ay hindi maipagbubunyi ng mga konsyumer.

Ayon kay Louie Montemar, convenor ng Bantay Konsyumer, Kuryente at Kalsada, mararamdaman pa rin ng mga konsyumer ang mataas na presyo ng mga bilihin dahil tuloy na ang karagdagang excise tax sa mga produktong petrolyo sa pagpasok ng bagong taon.

Aniya, ang naitalang 6 percent inflation rate ng nakaraang buwan ay mataas pa rin ng tatlong porsiyento kumpara sa naitala noong Nobyembre 2017.

Sinabi pa nito na mananatiling mahal ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa ipapatong na P2 kada litro na buwis kahit na bumaba pa ang presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Ibinahagi naman ni Vic Dimagiba, ng Laban Konsyumer, nananatiling mataas ang presyo ng maraming pagkain dahil sa pangkalahatan ng taon ay tumaas ang inflation.

Nagkasundo ang dalawa na dapat ay amyendahan ang TRAIN Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }