4
ltfrb
By

Taas-pasahe sa Northern Mindanao, hindi awtorisado – LTFRB

Sharing is caring!

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala silang inaprubahan na petisyon para sa taas-pasahe sa mga pampasaherong jeepney sa Northern Mindanao.

Ginawa ng LTFRB ang palilinaw matapos silang ulanin ng mga reklamo hinggil sa ipinatutupad na dagdag-singil sa jeep sa naturang lugar na aabot umano sa P3 hanggang P5.

Giit ni LTFRB Regional Director Aminoden Guro, hindi nila awtorisado ang naturang dagdag-singil at dapat manatili ang dating halaga ng pamasahe sa jeep sa kanilang rehiyon.

Paliwanag pa nito, ang provisional P1 fare hike na inaprubahan ng LTFRB ay para lamang sa Metro Manila.

Binalaan naman nito ang mga operator at tsuper ng jeep na maniningil ng dagdag-pasahe na papatawan sila ng multang P5,000 hanggang P15,000. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?