7

By

Taas-pasahe sa LRT susubukang hilutin ng Palasyo

Sharing is caring!

Tatangkain ng Malacañang na maipagpaliban ang plano ng Department of Transportation (DOTr) na taasan ang singil sa pamasahe sa Light Rail Transit (LRT).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kakausapin niya si DOTr Secretary Arthur Tugade kung maaaring ipagpaliban ang LRT fare increase para hindi mahirapan ang mga pasahero.

Titingnan aniya ni Roque kung magagawan ng paraan na hindi matuloy ang fare increase sa LRT sa buwan ng Agosto.

Pero kung hindi makayanang ipagpaliban, sinabi ni Roque na walang magagawa kundi itataas talaga ang singil sa LRT ng mula limang piso hanggang pitong piso.

“Well makikupag-ugnayan po ako kay Secretary Tugade tungkol sa isyu ng mas mataas na pamasahe sa LRT. Titingnan ko kung may magagawang paraan, pero kung talagang hindi makayanan na ipagpaliban ang pagpataas ng pamasahe, eh itataas at itataas po yan,” ani Roque.

Agad na inalmahan ng iba’t ibang grupo ang planong fare increase sa LRT dahil magiging dagdag-pahirap umano ito sa mamamayan gaya ng epekto ng bagOng sistema ng pagbubuwis na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na nagpapahirap umano ngayon sa sambayanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?