46

Nov 9, 2021 @ 20:56
By

Taas kontribusyon sa SSS sisipa sa 2025

Nakatakdang tumaas ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa 2025.

Ayon ito kay SSS President Aurora Ignacio.

“Ang susunod nating pagtaas ng contribution na nakasaad sa batas ay sa taong 2025. Hindi tayo basta-basta makakagawa ng increase ng atin lang pong management o commission lang, kailangan nasa batas,” saad ni Ignacio.

Batay aniya sa Republic Act 11199, isang porsiyentong pagtaas sa kontribusyon ang ipapataw sa mga miyembro kada dalawang taon na nagsimula noong 2019 at matatapos sa 2025.

Samantala, sinabi ni Ignacio na bumaba ang kontribusyon ng mga SSS member ng 7.8% o nasa P206 bilyon noong 2020 kumpara sa P223 bilyon noong 2019 dahil sa maraming negosyo na nagsara o nagtanggal ng mga empleyado dulot ng pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?