64

Oct 24, 2018 @ 15:11
By

Taas buwis sa petrolyo ngayong taon, ‘di na masususpende – DOF

Hindi na mapagbibigyan ang mga panawagan na suspendihin ngayong buwan hanggang Disyembre ang tinaasang buwis sa petrolyo.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs, sinabi ni Finance Undersecretary Carl Kendrick Chua na ang pagtataas lang petrolyo sa kasunod na taon ang pwede nilang suspendihin batay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa ngayon, pasya na ng Malacañang na suspendihin ang P2 kada litrong dagdag na buwis sa petrolyo sa unang tatlong buwan ng 2019.

“The recommendation was to suspend the next increase, 2019, the additional P2. However, the excise tax currently implemented remains because we are constrained by the law,” paliwanag niya.

Ilang mambabatas, militanteng grupo at transport group ang nanawagan na suspendihin na ang itinaas na buwis sa petrolyo ngayong taon dahil sa pagtaas ng presyo nito at ng mga pangunahing bilihin.

Mula noong Enero 1, 2018, naging P7 ang excise tax kada litro ng gasoline mula sa P4.35 noong nakaraang taon.

Nagkaroon naman ng P2.50 excise tax ang bawat litro ng diesl at P1.00 sa LPG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?