12

Aug 11, 2021 @ 13:17
By

Taal nagbuga ulit ng usok – Phivolcs

Matapos tumigil ng 16 araw ay balik nanaman sa pagbubuga ng usok ang bulkang Taal, ayon sa huling report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“The Taal Main Crater resumes degassing of a steam-rich plume after a pause of 16 days,” pahayag ng Phivolcs.

“SO2 (Sulfur dioxide) flux of 3849 tons/day was last measured on 9 August 2021,” dugtong pa nito.

Bukod sa muling pagbuga ng usok, nakapagtala rin ang ahensya ng 107 pagyanig sa loob ng huling 24 oras.

Dahil dito ay nananatiling nasa Alert Level 2 ang Taal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?