35

Nov 17, 2021 @ 9:58
By

Taal muling nag-alburoto

Dalawang phreatomagmatic burst ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Taal ngayong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang unang pagsabog ay naganap dakong alas-1:46 a.m. ng madaling araw na tumagal ng isang minuto habang sinundan ito ng isa pang pagsabog dakong alas-2:54 a.m. ng madaling araw na tumagal ng dalawang minuto.

Dahil sa mga naganap na phreatomagmatic burst, muling nagbuga ng makapal na usok ang bulkan na may taas na 400 metro sa unang pagsabog at 500 metro sa ikalawa.

“There have been three phreatomagmatic bursts since November 15, and are likely driven by fracturing and gas release from resting magma beneath the Taal Volcano Island,” saad ng Phivolcs.

Sa kabila nito, patuloy na nakataas ang Alert Level 2 sa bulkan.

“At Alert Level 2, entry into Taal Volcano Island, Taal’s Permanent Danger Zone or PDZ especially the vicinities of the main crater and the Daang Kastila fissure, and extended stay on Taal Lake, must be strictly prohibited,” dagdag pa ng Phivolcs. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?