35

Jul 18, 2021 @ 17:42
By

Taal inuga ng 86 lindol

Patuloy na nakapagtala ng mga pagyanig ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa huling 24 oras sa Taal Volcano.

Ayon sa report ng Phivolcs nitong Linggo, 86 na volcanic earthquake ang yumanig sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Sa mga pagyanig na ito, 84 ang volcanic tremor na tumagal hanggang 34 minuto, isa ang low-frequency na lindol at isa ang hybrid earthquake.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng low-level background tremor na nagpapatuloy umano simula pa noong Hulyo 7.

Nitong Sabado naman ay sumampa sa 5,466 tonelada ang average volcanic sulfur dioxide na binubuga ng bulkan.

Patuloy na nakataas ang Alert Level 3 sa bulkan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?