17

Oct 6, 2021 @ 11:27
By

Taal bumuga sandamukal na asupre

Umabot sa 25,456 tons ng sulfur dioxide (SO2) na ibinuga ng Taal Volcano noong Martes, na ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay pinakamaraming ibinuga ng bulkan na kanilang naitala.

Sa kanilang advisory nitong Martes, ang naitala kahapon ay halos tatlong beses na mas mataas kumpara sa 8,854 tons noong Setyembre 27.

Gayunman, hindi umano ito magdudulot ng malakihang pagsabog, ayon kay Phivolcs director Renato Solidum Jr.

“‘Yung mataas na pagbuga ng sulfur dioxide kahapon ay kasunod ng mataas na pagbuga ng sulfur dioxide nitong mga nakaraang araw,” pahayag ni Solidum. “Ibig sabihin patuloy ang pagkakaroon ng degassing ng magma sa mababaw na parte ng bulkan kaya marapat na pag-ingatan ito.”

“Hindi naman ito nangangahulugan na magkakaroon ng napakalakas na pagsabog tulad noong January 2020,” dugtong pa niya.

Wika pa ni Solidum, hindi ganung karami ang naitalang volcanic earthquake kaya malabo pa ang posibilidad ng malaking pagsabog.

Sa ngayon ay nakataas ang Alert Level 2 sa bulkan. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?