35
ABANTE-TNT TIMBERWOLVES TINAMBAKAN CAVALIERS
Jan 9, 2018 @ 16:36

T-Wolves tinambakan ng 28 pts ang Cavaliers

Maagang bumulusok ang Minnesota Timberwolves at hindi bumigay para ilampaso ang Cleveland Cavaliers, 127-99, nitong Lunes (Martes, Manila time).

Nagpakitang-gilas sina Andrew Wiggins at Jimmy Butler sa Timberwolves na naiangat agad sa 32-18 ang iskoring.

Back-to-back wins na ito ng T-Wolves nang unang talunin ang New Orleans Pelicans, at umakyat sa 26-16 ang kartada.

Lima sa Minnesota players ang tumuntong sa dobleng pigura kasama si Wiggins na nagtala ng 25 points habang may 21 points si Butler.

May maalat na 10 points lamang si LeBron James para sa Cleveland na bigong sundan ang panalo kontra Orlando Magic at nalasap ang ika-limang pagkatalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?