471

Sep 1, 2018 @ 12:14
By

T.G.I.S. cast inihahanda na ang reunion movie

After 20 years ay muling nagkita-kita ang mga T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado) member.

1995 nang i-launch ang original cast ng ‘T.G.I.S’. Pinakilala sila Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Rica Peralejo, Ciara Sotto, Raven Villanueva, Onemig Bondoc at Red Sternberg.

Iba sa kanila active pa rin sa showbiz at ang iba naman ay sa sarili nilang business.

Batch 2 sina Chantal Umali, Sunshine Dizon at Dingdong Dantes. Ang nahuling dalawa nabanggit ay Kapuso artist na hanggang ngayon ay namamayagpag ang career.

Napakaraming mga fan ang T.G.I.S. Tinitilian sila kahit saan magpunta. Katunayan, younger days nila ay kaliwa’t kanan ang shows. Kumbaga halos walang pahinga ang grupo, pero nag-e-enjoy sila.

Kaya nagkita-kita ang grupo ay dahil sa effort ni Ciara. Siya ang gumawa ng paraan para sa kanilang reunion.

Sa T.G.I.S. unang narinig ang ‘group hug’ kaya masasabing sila original ng linyang ‘yan.

Nagbabalak ang grupo na gumawa ng reunion movie.

Post nga ni Rica sa kanyang social media account, “ We lived in a very different time. It was when songs didn’t have copyright if you used them on TV, so we had a perfect song for every moment. We also didn’t have internet. The nation watched us on Saturdays. On TV.”

Ang tinutukoy ni Rica ay ang opening line nila every Saturday sa show “Na, na, na, na. Na, na, na, na.” Theme song ay mula sa 1992 hit song ni Paul Westernberg na “Dyslexic Heart.”

Nagbubuo ang T.G.I.S. group kung ano’ng konsepto ang gagawin para sa kanilang reunion movie.

Dalawang movie ang nagawa noon – “T.G.I.S. crew: Where D Girls R” 1996 at “T.G.I.S.: The Movie” noong 1997.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?