158

Jan 8, 2022 @ 13:47
By

Syrian vlogger namigay ng lechon sa mga Pinoy

Muli na namang hinangaan ang vlogger na si The Hungry Syrian Wanderer, na nakilala sa bati niyang “hello mga tao”.

Namigay kasi si Hungry Syrian o Basel Manadil sa tunay na buhay, ng mga lechon baboy sa mga Pilipinong walang panghanda noong bisperas ng Bagong Taon.

40 bags na libreng lechon para sa New Year’s Eve ang ipinamigay ni Manadil.

Binigyan din niya ng lechon ang mga taong nasa lansangan at mga vendor.

Hinatiran din niya ng isang buong lechon ang mga residente sa isang gusali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?