283
Sylvia thankful kay Maine dahil ipinaglaban si Arjo
Apr 3, 2019 @ 14:25
By

Sylvia thankful kay Maine dahil ipinaglaban si Arjo

Ibinahagi ni Sylvia Sanchez kung ano ang nagustuhan ng anak niyang si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Sa panayam sa beteranang aktres sa “Tonight with Boy Abunda”, sinabi nitong mahal talaga ng kanyang anak si Maine dahil naiintindihan nila ang isa’t isa at napapatawa siya ng actress-TV host.

Ang nagustuhan naman ni Sylvia kay Maine ay ipinaglaban nito ang kanyang anak.

“Nasa top ka, Maine Mendoza ka at hinahangaan ka… Grabe ‘yung career mo at alam natin na pwedeng maapektuhan ‘to, alam natin ‘yun, pero nilaban mo ang anak ko,” saad pa ng veteran actress.

Matatandaang dahil sa pag-amin ni Arjo na “exclusively dating” na sila ni Maine at pagkumpirma ng huli sa kanyang blog post, naging target ng mga basher ang Kapamilya actor partikular na ng mga AlDub fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?