93
ABANTE sylvia sophia iyak
Jan 16, 2018 @ 17:47
By

Sylvia at Sofia mahusay magpaiyak

Totoo ang balita na heartwarming ang kuwento ng Mama’s Girl, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc.na magbubukas ngayon sa mga sinehan. Mga bida sa Mama’s Girl sina Sylvia Sanchez, Sophia Andres, Jameson Blake at Diego Loyzaga.

Tungkol sa passion, commitment, acceptance, forgiveness at love ang kuwento ng Mama’s Girl na nagkaroon ng premiere sa TriNoma Cinema 7 noong Lunes at nagpaiyak sa manonood.

Parehong mahusay sina Sylvia at Sophia bilang mag-ina na may mga personal issue na dapat lutasin. Bago nagsimula ang screening ng Mama’s Girl, sinabi ni Sylvia na makatulong sana ang pelikula nila para magkabati ang mga magulang at mga anak na may hidwaan.

Hindi lamang ang mga eksena nina Sylvia at Sophia ang tagos sa puso dahil malakas ang impact ng forgiveness scene nina Eva Darren at Lui Manansala. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?