230
abante-tnt-vismin-arjo-atayde
Aug 3, 2018 @ 13:55
By

Sylvia, proud sa mga anak na sina Arjo at Ria

Ipinahayag ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez ang kasiyahan sa patuloy na pagganda ng showbiz career ng mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde.

Si Arjo ay gumaganap ng mahalagang papel sa pelikulang Buy Bust na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Isa rin siya sa casts ng forthcoming MMFF entry para sa taong ito nina Vic Sotto at Coco Martin titled, Jack Em Poy: The PulisCredibles.

Si Ria naman, bukod sa paglabas sa mga TV show, ay bahagi ng pinaka-aabangang movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pinamagatang The Hows Of Us ng Star Cinema.

Ayon sa Kapamilya aktres, ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang mga biyayang ito na dumarating sa kanyang pamilya.

Pahayag ni Ms. Sylvia, “Salamat sa Diyos at ang dami Niyang blessings na ipinagkakaloob sa mga anak ko.”

Dagdag pa niya, “Bilang isang Mommy, happy and proud siyempre ako sa mga anak ko.”

Ano ang masasabi niya sa performance ni Arjo sa Buy Bust na showing na ngayon?

Tugon niya, “Yes, napanood ko na ang Buy Bust, ibang Arjo naman ang nakita rito. Ibang atake ang ipinakita sa movie ni Arjo. Kaya panoorin nyo rin sana, para makita ninyo mismo,” masayang saad pa ni Ms Sylvia.

Nabanggit din ni Ms. Sylvia na ngayong buwan ng August ay nakatakda na ulit siyang sumabak sa paggawa ng bago niyang pelikula. Ayaw pa niyag banggitin ang title nito at kung ano’ng genre ang latest movie niya, pero sure kami na isang kaabang-abang na project na naman ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?