82

By

Sylvia, Carlo, Tonton, iba pa, dinumog sa Ali Mall

Sharing is caring!

Dinumog ng mga tao sa Ali Mall sina Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Tonton Gutierrez, Shyr Valdez, Glydel Mercado, Alma Concepcion, Matt Evans, at ang social media influencer na si Darla Sauler.

Naganap ito last Sunday sa opening ng 41st physical store ng Beautefy by Beautederm ng distributor na si Ms. Maria de Jesus. Kaya masayang-masaya si Ms. Maria, dating OFW sa Singapore bilang restaurant manager, Na after 10 years doon ay nagdesisyong bumalik ng Pilipinas para tutukan na ang kanyang Beautederm business.

Punong-puno ng tao ang pinagdausan ng event na mula basement hanggang 4th floor ng mall, kaya sobrang happy ni Ms. Rei Tan, presidente at CEO ng Beautederm.

“Ang bilang lang natin ay 25, kasi iyon ang napuntahan ko na. Lately ko lang nalaman na 41 na pala ang stores, kasi hindi ko lahat napuntahan. Kaya gusto kong ikutin lahat ng stores at isama ang ambassadors natin para ma-feel lalo nila na family tayo. Sobra akong masaya sa blessing na ito,” saad ni Ms. Rei.

Ang mga BeauteDerm babies ay tinilian at pinasalubungan ng masigabong palakpakan ng mga naroon, lalo na nang kumanta sina Carlo at Matt. Nagkaroon muna ng meet and greet at program ang Beautederm ambassadors sa activity area ng Ali Mall bago sila tumungo sa 2nd floor sa kiosk ng Beautefy by Beautederm para sa ribbon cutting at pormal na pagbubukas ng store.

Bahagi ng treat sa masayang hapong iyon ay ang pagbibigay ng Beautederm babies ng sampler ng mga produkto nito, kaya talagang nag-enjoy ang lahat dahil nakapanood na sila ng libreng show ay nag-uwi pa sila ng beauty products.

Ipinahayag naman ni Ms. Sylvia ang kasiyahan sa patuloy na paglago ng BeauteDerm. “Masaya ako at natutuwa sa rami ng tao ngayong hapon, and proud ako sa patuloy na pagdami ng mga branch ng BeauteDerm,” saad niya na siya mismo ay mayroong Skin and Beyond Clinic by Beautederm sa Butuan City, kasosyo ang anak na si Ria Atayde at ilang kaibigan.

Ayon naman kay Carlo, “Ang sarap ng pakiramdam na bilang ambassador ay nagiging bahagi ka ng success ng Beautederm. Siyempre yung makita mo na napapasaya mo ang mga tao, talagang nakaka-overwhelmed.”

“First time ko sa ganito and nakakatuwa ang dami ng tao. Happy ako na maging part ng Beautederm family na napaka-effective talaga ng produkto,” saad naman ni Tonton.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?