stallone

Sylvester Stallone iniimbestigahan sa kasong sexual assault

Sharing is caring!

Naglundsad na nang imbestigasyon ang US prosecutors kung dapat bang kasuhan ng sex assault si film star Sylvester Stallone.

Ayon sa report, naipresenta na ang kaso sa Santa Monica Police laban kay Stallone at ‘under review’ na ito ng sex crime task force.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng isang babae noong Nobyembre kung saan sinabi nitong pinasamantalahan diumano siya ng 71 anyos na aktor.

Si Stallone ay sumikat sa mga pelikulang “Rocky” at “Rambo”.

Ang alegasyon laban kay Stallone ay lumabas sa gitna paglunsad ng grupong #MeToo movement na tumututuok sa kaso ng mga sexual harassment sa Hollywood at iba pang lugar sa US.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?