18
sws-poverty
By

SWS survey: Gutom na Pinoy, kumonti

Sharing is caring!

Bumaba ang bilang ng mga Filipino na nagutom sa unang tatlong buwan o first quarter ng kasalukuyang taon.

Base ito sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey, kung saan 9.9 porsiyento o may katumbas na 2.3 milyong pamilya ang nagsabi na nakaranas silang magutom kahit isang beses noong Enero hanggang Marso.

Ito ay nagpakita ng pagbaba ng anim na puntos mula sa naitalang 15.9 porsiyento o 3.6 milyong pamilya noong nakaraang Disyembre.

Maging ang insidente ng pagkagutom ay bumaba ng dalawang puntos mula sa 11.9 porsiyento sa huling buwan ng 2017.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 18 taon na ang naitalang ‘hunger survey’ ay single digit lang, ang pinakahuli ay ang naitalang 7.4 porsiyento noong Marso 2004.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?