19

Jun 4, 2021 @ 19:07
By

SWS: Pinoy takot pa ring kapitan ng COVID

Mahigit isang taon makalipas magsimula ang pandemya, marami pa ring Pilipino ang nababahala na tamaan ng coronavirus disease, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa kabila ito na nagsimula na ang pagbabakuna sa bansa laban sa virus.

Batay sa survey na ginawa mula April 28 hanggang May 2, lumabas na 89% ang nababahala na kapitan ng sakit habang 11% ang hindi nababahala.

As of May 30 ay mahigit 1.2 milyong katao na ang fully vaccinated sa Pilipinas, ayon sa Department of Health.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?