12

Jul 14, 2021 @ 21:32
By

SWS: Pinoy na gusto paturok vs COVID dumami

Umakyat ng 13 porsiyento ang mga Pilipinong payag magpabakuna laban sa COVID-19.

Batay sa resulta ng Social Weather Stations June 2021 survey, 45% ang nagsabing gusto nilang magpabakuna, mula sa 32% noong May 2021 survey.

Sa 45% nagsabing gusto nila pabakuna, 36% ang “sigurado” habang 9% ang “malamang”.

Tumaas sa lahat ng lugar ang mga handang magpabakuna.

Sa Metro Manila, 49% ang mga Pilipinong handang magpaturok kumpara sa 41% noong Mayo.

Sinundan ito ng Balance Luzon na mula sa 28% ay tumalon sa 46%.

Gayundin sa Visayas, na mula sa 32% ay umakyat sa 41% nitong June.

Tumaas din sa 42% mula sa 34% ang mga Pilipinong naninirahan sa Mindanao na gusto nang magpabakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?