16

Oct 12, 2021 @ 18:29
By

SWS: Mga Pinoy mas takot sa COVID kesa ibang virus

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nababahala na magkasakit ng coronavirus o sinuman sa kanilang pamilya, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Isinagawa ang survey noong September 12–16, kung saan 91% ng adult Filipinos ang nag-aalala na tamaan sila o sinuman sa kanilang pamilya ng COVID.

Mas mataas ito ng apat na puntos kumpara sa 87% na naitala noong Hunyo 2021 at pumantay sa record-high noong November 2020.

Pinakamaraming nababahala na magkasakit ng coronavirus ay mula sa Visayas (95%), sumunod sa Mindanao (94%), Metro Manila (91%) at Balance Luzon (88%).

Kumpara rin sa mga nakalipas na survey, mas marami ang natatakot na tamaan ng COVID kesa sa iba pang uri ng virus gaya ng Ebola, Swine Flu, Bird Flu at Severe Acute Respiratory Syndrome.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?