3

Oct 31, 2020 @ 20:42
By

SWS: Karamihan ng Pinoy payag sa contact tracing

Lumabas sa survey na karamihan ng mga Pilipino ay handang makipagtulungan sa COVID-19 contact tracing.

Sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa ng Sept. 17 hanggang Sept. 20, 97% ng mga Pilipino ang nagsabing payag silang magpa-quarantine sakaling nakasalamuha ang isang COVID-19 carrier.

96 porsiyento naman ang handang magbigay ng listahan ng mga taong nakasalamuha nila.

Sa 1,249 na na-survey, 87% ang nagsabing magboboluntaryo silang magpa-test linggo-linggo. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?