31

Jan 8, 2020 @ 20:13
By

SWS: Karamihan ng Pinoy, naniniwala na may ‘ninja cop’ sa PNP

Walo sa sampung Pilipino ang naniniwala na may mga “ninja cop” sa Philippine National Police (PNP), ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

78 porsiyento ng Filipino adults ang naniniwala habang pitong porsiyento lang ang hindi naniniwala.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 13-16, 2019 sa 1,200 adults nationwide.

Ang “ninja cop” ay bansag sa mga pulis na nagbebenta ng nakukumpiskang iligal na droga mula sa lehitimong operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?