9

Jun 10, 2021 @ 22:19
By

SWS: Karamihan ng Pinoy masunurin sa COVID protocol

Karamihan ng mga Pilipino ay tumatalima sa mga basic COVID-19 protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng mga kamay at social distancing, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa April 28-May 2, 2021 survey, 75% ng mga adult Filipino ang nagsabing palagi silang naka-face mask kapag lalabas ng bahay; 67% ang nagsabing lagi silang naghuhugas ng mga kamay at 58% ang sumusunod sa distancing.

Samantala, 53% ang nagsabing palagi silang nagsusuot ng face shield.

Mas maraming masunurin sa Metro Manila at Balance Luzon habang kakaunti sa Visayas at Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?