119

Sep 27, 2021 @ 21:47
By

SWS: Karamihan ng Pinoy kontra sa pagtakbong VP ni Duterte

Naniniwala ang 60% ng mga adult Filipino na labag sa Konstitusyon ang pagtakbong bise presidente sa 2022 elections ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong June 23-26, 2021.

Karamihan ng nagsabing labag sa Konstitusyon ang vice presidential run ni Duterte ay nagmula sa Balance Luzon (65%), kasunod ang Visayas (59%), Metro Manila (56%) at Mindanao (53%).

39% naman ang gustong tumakbong VP si Duterte dahil nais nilang matuloy ang kanyang pamamahala sa gobyerno habang 1% ang walang sagot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?