114

Apr 25, 2019 @ 13:45
By

SWS: Bilang ng mga gutom na Pinoy, bumaba

Mas kumonti ang mga Filipino na nakaranas ng kagutuman sa unang bahagi ng 2019, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng March 28-31 survey, 9.5 porsiyento o 2.3 milyon ang hindi nakakain sa pagitan ng Enero at Marso.

Bumaba ito ng isang puntos mula sa dating 2.4 milyong pamilya noong huling bahagi ng 2018.

Isinagawa ang survey sa may 1,440 respondents nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , , ,