161

Jul 21, 2018 @ 15:16
By

SWS: Bilang ng mahihirap na pamilya, tumaas

Tumaas sa 11.1 milyon mula sa dating 9.8 milyon sa ikalawang bahagi ng taon ang mga pamilyang Pilipino na nagsasabi na sila ay mahirap.

Batay sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), 48 porsiyento ng pamilyang Filipino ang kinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap, mas mataas ito ng anim na puntos mula sa dating 42% sa naunang survey.

Ang 48% umano ay pinakamataas mula nang maitala ang 50% noong unang bahagi ng 2017.

Ginawa ang survey mula Hunyo 27 hanggang 30, 2018 gamit ang face-to-face interview sa 1,200 adults nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?