152
sws
By

SWS: Biktima ng krimen, bumaba sa unang bahagi ng 2018

Nabawasan ng isang puntos ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nabiktima ng mga karaniwang krimen sa unang tatlong buwan ng taon.

Ito ang lumabas sa March 23-27 survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan 1.5 milyon ang nagsabi na sila ay nabiktima ng robbery, akyat-bahay, carnapping at pananakit sa nakalipas na anim na buwan.

Sa katulad na survey noong December 2017, 1.7 milyon ang nagsabing may kapamilya sila na nabiktima ng krimen.

Karamihan o 1.1 milyon sa bilang ang nagsabing nabiktima sila ng snatching o hold-up.

Ang pagbaba ng isang puntos ay bunga ng pagbaba ng mga sumagot sa survey na may kapamilya sila na biktima ng pananakit.

Bumaba rin ang bilang ng krimen na kagagawan ng akyat-bahay.

Nabawasan din ng 57,000 ang nagsabi na nabiktima ang kanilang pamilya ng carnapping.

Natapyasan rin ng limang porsiyento ang nagsabi na natatakot sila na mapagnakawan sa bahay at dalawang porsiyento naman ang nawala sa nagsabing natatakot silang maglakad sa kalsada pagsapit ng gabi.

Samantala, dalawang porsiyento ang nabawas sa bilang ng mga nagsabing maraming drug users sa kanilang lugar.

Umakyat naman sa 50 porsiyento o tumaas ng 11 porsiyento ang bilang ng mga babae na nagsabing nabiktima sila ng krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?