31

Jan 8, 2022 @ 21:23
By

SWS: 80% ng Noypi tiwalang tapos na hagupit ng COVID

Lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Disyembre ng 80% ng mga Pinoy ang naniniwalang nakalampas na ang pinakamalakas na hagupit ng COVID pandemic sa bansa.

Ayon sa SWS, malayo ito kumpara sa 38% na iskor noong Setyembre 2021.

Bumaba naman sa 19% ang mga Pinoy na nangangamba na paparating pa lang ang ‘worst’ ng COVID pandemic, mula sa 60% noong Setyembre 2021.

Pinakamarami ang positibo na dumaan na ang hagupit ng COVID sa Mindanao (83%), sinundan ng Metro Manila (82%), Balance Luzon (81%), at Visayas (75%).

Samantala sa Visayas naman pinakamarami ang naniniwalang paparating pa lang ang ‘worst’ ng pandemya (24%), sinundan ng Metro Manila (18%), Balance Luzon (17%), at Mindanao (17%).

Ang survey ay isinagawa noong Disyembre 12-16, 2021 at may 1,440 respondent.

Sa kabila ng positibong pananaw sa survey, mula nang nagpalit ng kalendaryo ngayong taon ay tuloy-tuloy ang muling pagsirit ng mga kaso ng COVID sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?