14

Jul 21, 2020 @ 21:39
By

SWS: 5.2M pamilya nagutom sa pandemya

Umabot sa 5.2 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng kagutuman sa nakalipas na tatlong buwan kung saan pinapatupad ang community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa survey ng Social Weather Station (SWS) mula July 3 hanggang 6, lumabas na 20.9 percent ang nagutom na pamilya dahil walang makain, higit na mas mataas sa 16.7 percent noong Mayo ngayong taon.

Sa nasabing porsyento, 15.8 percent ang nakaranas ng moderate hunger, habang 5.1 percent naman ang nagkaroon ng severe hunger.

Isinagawa ang poll sa pamamagitan ng mobile phone o computer-assisted telephone interviewing sa 1,555 Pinoy na nasa edad 18 pataas.

306 ng mga respondent ay mula sa National Capital Region, 451 mula sa Balance Luzon, 388 sa Visayas, at 410 sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?