10

Sep 10, 2020 @ 21:26
By

SWS: 40% ng Pinoy naniniwalang lalala kondisyon ng ekonomiya

Abot sa 40 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing lalala pa ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan dahil sa pandemya.

Ang naitalang 40 porsiyentong “economic pessimists” adult Filipinos noong Hulyo 2020 ay pinakamataas sa mahigit 12 taon simula nang maitala ang 52% rate noong June 2008, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Samantala, 24% ang naniniwalang mananatili ang estado ng ekonomiya ng bansa habang 30% ang umaasang bubuti ito o mga “economic optimist”.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interview sa may 1,555 adult Filipino nationwide. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?