13

Aug 22, 2020 @ 15:13
By

SWS: 36% ng Pinoy naniniwalang lalala pa ang kanilang buhay

Nasa 36% ng mga Pilipino ang nagpahayag ng pagiging negatibo nang tanungin kung inaasahan nilang bubuti na ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa SWS survey.

Lumabas sa latest survey na 36% ang kumbinsidong lalo pang lalala ang kalidad ng kanilang pamumuhay habang 26% naman ang maituturing na ‘optimists’ o iyong kumpiyansang gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

30% naman ang umaasang walang magiging pagbabago sa kalidad ng kanilang pamumuhay.

Isinagawa ang naturang survey sa pamamagitan ng mobile phone interview noong July 3-6 sa may 1,555 mga Pilipino na may edad 18 taong gulang pataas.

Naitala ang pinakamataas na ‘pessimists’ noong Mayo 2020 na nasa 43% kung saan binasag ang record na 34% noong Marso 2005.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?