48

Jun 23, 2022 @ 18:46
By

Swimmer nahimatay habang lumalangoy sa kompetisyon

Sinagip sa pagkalunod ng kanyang coach si Team USA swimmer Anita Alvarez matapos mahimatay habang lumalangoy sa pool sa 2022 FINA World Championships sa Budapest.

Tumalon si coach Andrea Fuentes sa pool matapos makitang lumubog sa ilalim ng pool si Alvarez sa pagtatapos ng kanyang solo free final routine.

Ani Fuentes sa CBS Sports, natakot siya sa nangyari nitong Miyerkoles dahil nakita niyang hindi na humihinga si Alvarez.

Kinailangan din daw niyang sagipin si Alvarez dahil walang ginawa ang mga lifeguard.

“I was scared because I saw she wasn’t breathing, but now she is doing very well,” anang coach.

Saad pa ni Fuentes, susuriin si Alvarez sa Huwebes para malaman ang dahilan ng pagkahimatay niya bago magdesisyon tungkol sa pagsabak nito sa team free event sa Biyernes.

Hindi ito ang unang beses na nahimatay ang 25-year-old swimmer.

Nawalan din siya ng malay habang nasa artistic swimming routine noong nakaraang taon sa Olympic qualifier sa Barcelona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?