80

Jun 6, 2022 @ 13:50
By

Swerte ni Andrea! Abs ni Ricci nagmumura

Bukod sa pagiging heartthrob sa loob ng basketball court ay isa ring certified hunk si Ricci Rivero.

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, ibinahagi ni Ricci ang kanyang topless photo kung saan makikita ang nagngangalit niyang mga abs.

Napa-wow naman ang mga follower ni Ricci sa comment section.

“Grabe naman, kaya pala ang init dito sa siargao eh,” komento ng TikToker na si Marvin Fojas.

“Ang hot mo ricci sakalin mo ko eme,” komento ng isa pang netizen. “RICCII ANO BAAAA ANG SWERTE NI MARENG ANDREAA!!!”

“it’s gettin’ hot in here,” wika pa ng isang nag-komento.

Si Ricci ay kasalukuyang nobyo ni Andrea Brillantes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?