29

Dec 23, 2017 @ 11:37
By

‘Sweetheart power deals’ ng Meralco, pinababasura sa ERC

Pinaghihinay-hinay ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa pag-apruba sa pitong umano’y ‘sweetheart power supply deals’ sa Meralco-affiliated generation companies.

Ang babala ay ginawa ni Zarate matapos suspendihin ng Ombudsman ang apat na commissioners ng ERC.

Giit nito, dapat ibasura ang nasabing mga kasunduan at magsimula ng panibago dahil kawawa ang consumers kapag natuloy ang mga ito.

“I think that with the Ombudsman decision and the facts established during the hearings conducted by the House Committee on Good Government and Public Accountability, it would be prudent for the ERC to junk these deals and start a new and true competitive selection process (CSP),” ayon kay Zarate.

“These deals would cost electric consumers P12.44 billion annually for 20-21 years and with the newly signed tax reform package this would definitely increase further,” dagdag pa ng kongresista.

Binanggit ng mambabatas na lumabas sa imbestigasyon ng Kamara na maanomalya ang mga kontrata at napaboran ng ERC ang Meralco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?