37

Nov 17, 2021 @ 18:04

Sweet surprise para sa Lacson-Sotto tandem

Mala-piyesta sa saya ang pagsalubong kay Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson (kaliwa) at running mate niya na si Vicente “Tito” Sotto III (kanan) sa kanilang pagbisita sa Tangub Community Center sa Bacolod City, Negros Occidental noong Sabado, Nobyembre 13.

Sa kanilang “Online Kumustahan” sa tinaguriang ‘The Land of Sweet Surprises’ nilatag nina Lacson at Sotto ang mga plataporma ng Partido Reporma. Magkakasabay itong napanood nang live sa 22 iba pang satellite venue sa buong probinsya.

Nagpaunlak din ng exclusive interview sina Lacson at Sotto para sa DHYB 747 radio station ng RMN sa Bacolod, kasama ang mga senatorial bet ng Partido Reporma na sina Dr. Minguita Padilla, tubong-Negros na si Monsour del Rosario (pangalawa at pangatlong row mula kaliwa). Ito na ang ikaapat na pagbisita ng tandem sa Negros Occidental ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?