35

Nov 17, 2020 @ 9:33
By

Sweet minura si Mocha?

Tawang-tawa ang mga netizen sa fansign ni actor-comedian John Lapus para kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Mocha Uson.

May Twitter user kasi na nagtanong kay Lapus, na kilala rin bilang Sweet, kung ano ang ilalagay nito sakaling magpa-fansign sa kanya si Uson.

Naglakip ang komedyante ng kanyang larawan na may hawak-hawak na tissue paper.

Sa tissue nakasulat ang katagang, “NA MOCHA!”

Benta ito sa mga netizen, na sinabing “malutong” ang banat ni Sweet kay Mocha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?