119

Nov 18, 2021 @ 11:28
By

Sweet as pie; Edu, Cherry Pie nag-date sa New York

Mainit-init na balita ngayon ang kumakalat tungkol sa mga picture nila Cherry Pie Picache at Edu Manzano na magkasama sa isang bakasyon.

Marami ang napapatanong nang makita nila sa Instagram post ni Cherry Pie na sweet at tila laging magkatabi ang mga ito sa ilang larawan nang magpunta ang dalawa sa New York.

https://www.instagram.com/p/CWG2CparfSa/?utm_medium=copy_link

Kasalukuyang magkatrabaho ang dalawa sa isang palabas sa Kapamilya network.

Nagpunta sila sa New York, U.S.A., para makipagkita sa ilang mga kaibigang artista.

Kasama nila sina Janine Guiterrez, kapatid nitong si Max, Tim Yap pati ang asawa nito, Arci Muñoz, at Yam Concepcion.

Kapansin-pansin na laging magkatabi ang dalawa at may isang larawan pa na nakapatong ang baba ng aktres kay Edu.

Maraming netizen ang kinilig dahil makikita ang masasayang ngiti ni Cherry Pie. Marami rin ang nag-comment at tinatanong kung sila na nga ba. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?