58

Apr 15, 2021 @ 18:00
By

Sweden kinakapos ng tamod

Umaaray na ang bansang Sweden sa sperm shortage, na kailangan nila para sa mga assisted pregnancy.

Ayon sa City A.M. report, dahil sa COVID-19 pandemic ay kumonti ang mga donor na nagpupunta sa mga ospital, na nagpahinto sa kanilang ginagawang inseminations.

Tumama ang sperm shortage sa tatlong lugar na may pinakamalalaking populasyon kaya naman bumibili na ng tamod ang mga klinika sa ibang bansa.

“We’re running out of sperm. We’ve never had so few donors as during the last year,” pahayag ni Ann Thurin Kjellberg, reproduction unit head ng Gothenburg’s University Hospital.

Libre ang assisted pregnancy sa national health service ng Sweden.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?