34

Mar 2, 2021 @ 20:41
By

Swab test ‘di na kailangan sa Puerto Galera

Inalis na ng Puerto Galera sa listahan ng mga travel requirement nito ang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction test o swab test.

Ayon kay Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, sa halip na swab test ay kailangan na lang magpakita ng mga turista ng medical certificate bago papasukin sa lalawigan.

Nagdesisyon din ang local government unit na buksan na ang Balatero Pier at Muelle Pier nito para sa mga public ferry.

Ani Ilagan, malaking turn-off sa karamihan ng mga Puerto Galera tourist ang mataas na halaga ng water taxi at swab test kaya nagdesisyon silang magbago ng polisiya.

“Many tourist towns like ours have opened and removed travel requirements to make it easier for local tourists to visit them. As a result, domestic tourists are now visiting them and their economy is starting to rejuvenate, and many are able to work again,” sambit ni Ilagan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?