15

May 23, 2021 @ 15:58
By

SUV vs motorsiklo: isa todas

Isang SUV ang umararo sa kasalubong nitong motorsiklo nitong Sabado sa Maharlika Highway, Barangay Sto. Domingo, Calauag, Quezon.

Bandang alas-6:30p.m. ng gabi ng mawala sa kontrol ang SUV na minamaneho ni Antonio Boncan at sinakop nito ang kabilang linya kaya’t nabunggo nito ang motorsiklong minamaneho naman ni Michael Santiquia, 42-anyos.

Dinala pa sa ospital si Santiquia ngunit binawian din ng buhay.

Samantala, ang dalawa niyang angkas na sina Aloja Ocial, 33, at kapatid nitong si Catherine, 16, ay parehong sugatan at kasalukuyang nasa pagamutan.

Aminado naman ang driver ng SUV na nawalan siya ng control sa kanyang sasakyan kaya’t kinain nito ang kabilang linya ng kalsada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?