11

Feb 26, 2021 @ 20:07
By

SUV sumalpok sa motorsiklo, 5 dedo

Utas ang limang indibidwal matapos sumalpok ang isang SUV sa motorsiko sa Compostela, Davao de Oro.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, bumaliktad umano ang SUV at nahulog sa kanal matapos araruhin ang isang motorsiklo na may tatlong sakay.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, apat na paral ang sakay ng SUV kung saan tatlo rito ang namatay.

Nasawi rin ang dalawa sa tatlong sakay ng motorsiklo.

Kasalukuyang nagpapagaling na sa pagamutan ang drayber ng SUV at isa pang angkas ng motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?