142

Jul 2, 2019 @ 21:42
By

SUV sinalpok ng sasakyan ng punerarya; 4 patay, 5 sugatan

Todas ang apat na pasahero ng isang SUV habang lima pa ang sugatan matapos banggain ng sasakyan ng punerarya sa Butuan City, Agusan del Norte.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente noong Lunes ng gabi sa national highway.

Minamaneho umano ni Father Roel Griar ang SUV nang biglang salpukin ng sasakyan ng punerarya at sa lakas ng impact, tumilapon sa kalsada ang ilang sakay niya.

Agad namatay ang apat na biktima habang dinala sa ospital ang mga sugatan kabilang ang pari.

Samantala, inamin ng driver ng sasakyan ng punerarya na nakainom siya nang mangyari ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?