40

Nov 18, 2021 @ 12:22
By

SUV nasunog sa gitna ng biyahe; mga sakay ligtas

Isang SUV na bumibiyahe pa-Baguio ang nasunog habang binabaybay ang kahabaan ng TPLEX nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ulat, nasa bandang Pura, Tarlac na ang SUV na sinasakyan ng walo katao na magkaka-pamilya nang bigla umanong umusok ang kanang bahagi ng hood.

Hininto umano ang sasakyan at bumaba lahat ng pasahero, ngunit lalong lumaki ang apoy at umabot pa sa unang alarma.

Naka-responde naman ang mga bumbero para maapula ang apoy, ngunit umabot sa P300,000 ang halaga ng nasunog.

Wala namang nasaktan sa mga sakay nito.

Pinayuhan naman ng mga awtoridad ang publiko na laging ipatingin ang sasakyan upang maiwasan ang ganitong pangyayari. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?