274
pasig-river
Nov 16, 2018 @ 14:00
By

SUV nahulog sa Pasig River, opisyal ng Pag-IBIG sugatan

Sugatan ang isang babaeng pasahero makaraang mahulog ang isang Fortuner sa Pasig River kagabi.

Umabot ng halos dalawang oras bago tuluyang naiahon ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang biktima.

Base sa impormasyon, naganap ang aksidente bandang alas-12:00 ng hatinggabi habang nakaparada ang Toyota Fortuner at lumabas ang driver nito na kinilalang si Luis Ponciano .

Sa hindi pa malinaw na dahilan ay biglang umatras ang nasabing SUV at nahulog ito sa sa ilog.

Paliwanag ni Ponciano, naka-handbreak naman ang sasakyan nang iwan niya ito, habang nasa loob ng sasakyan ang Vice President for Operations ng Pag-IBIG Fund-NCR na kinilalang si Erlinda Francisco.

Nabatid na inisyu sa biktima ang nasabing sasakyan.

Matapos na maiahon ang sasakyan ay agad na isinugod sa pagamutan ang biktimang si Francisco na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Ayon naman kay Traffic Investigator SPO2 Wilson Nacino, posibleng mechanical failure ang sanhi kaya umatras ang sasakyan kahit na naka-handbreak ito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?