197

Sep 18, 2021 @ 22:11
By

SUV nagwala, donut outlet inararo

Kakaibang drive thru ang natunghayan sa Greenhills Shopping Center sa San Juan ngayong Sabado nang mawalan ng kontrol ang isang SUV sa parking level at bumangga sa isang donut outlet.

Naganap ang aksidente dakong alas-5:30 p.m. ng hapon.

Ayon sa mga nakasaksi, maswerte namang nakaiwas ang mga tao sa loob ng donut outlet, kabilang na ang mga staff ng nasabing tindahan.

Ngunit nagkanda basag-basag naman ang salamin sa naturang donut outlet.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagwawala ng SUV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?