83

Jan 3, 2019 @ 17:44
By

SUV nagliyab sa Quiapo

Isang sports utility vehicle (SUV) ang nasunog sa Quiapo, Manila, Huwebes ng umaga.

Ayon sa inisyal report, galing ng Marikina ang Ford Expedition patungo ng Intramuros nang magliyab ito sa Quezon Boulevard corner Gonzalo Puyat Street dakong alas-6:17 ng umaga.

Agad namang naapula ang apoy dakong alas-6:27 ng umaga.

Wala naman umanong naiulat na nasaktan sa insidente habang iniimbestigahan na ang sanhi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?