23

Jun 22, 2020 @ 22:12

SUV, nagliyab sa may Malacanang park

Isang SUV ang natupok kahapon sa Maynila.

Nangyari ang insidente ganap na alas-12:20 ng tanghali sa may Guanzon Street di kalayuan sa Malacanang Park.

Sa inisyal na report, ayon na rin sa BFP-NCR PIO, ang nasunog na SUV ay Ford Eco sport kung saan agad namang nakaligtas ang driver nitong kinilala lamang na si Willie.

Nangyari ang insidente dulot ng umano’y loose connection ng mga electrical wiring sa baterya ng sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?